Diaspora at iba pang mga kwento
Taong 1965 nang una akong lapatan ng kritisismo ang mga kuwento ni Aling Bebang. Para sa Summer Institute in Philippine Literature ng Ateneo de Manila Gradute School, may dalawa akong panayam tungkol sa panitikang Tagalog at ng koleksyong Ako'y Isang Tinig (1952) ay napagtuunan ko ng pansin. Ang mga kwento sa nasabing koleksyon ay nakaakit sa akin dahil ang mga iyon ay umiiba sa mga naunang kuwento ng mga nakatatandang manunulat. Noon pa ma'y itinuring ko na ang awtor bilang pangunahing manunulat na, sa palagay ko bilang kritiko, ay dapat pagsundan ng mga estudyateng gustong magsulat ng kwentong Tagalog.